top of page

Evangelism Group (EVG)
Isang grupo na pumupunta sa iba’t-ibang lugar upang mag-imbita at tumulong sa mga nangangailangan. Ibinibigay hindi lang ang pisikal na tulong ngunit higit sa lahat ang tulong espirituwal na siyang tunay na makakapagpabago ng kanilang buhay.
Ang buhay ay hindi madali at alam namin na maaari itong maging mas mahirap kung walang susuporta sa iyo. Kaya naman ang mga taong parte ng grupong ito ay handa upang tulungan ka sa iyong pinakamahirap na sandali.
Hindi mo kailangang harapin ang iyong mga problema nang mag-isa. Kami ay handang makinig sa iyong mga problema at payuhan ka sa pinakamahusay na posibleng paraan. Gamit ang aming karanasang natamo mula sa mga problemang napagtagumpayan namin bilang paraan para suportahan ka at bigyan ka ng praktikal at espirituwal na payo.
Kung kailangan mo ng makakausap, maaari mong bisitahin ang aming helpline at makipag-usap sa isa sa amin. Kami ay bukas upang paglingkuran ka 24 oras sa isang araw, 365 araw sa isang taon.
bottom of page








