top of page

UCKG HELPCENTER: ISANG LUGAR KUNG SAAN NAGHIHINTAY SA IYO ANG BAGONG BUHAY!
Kapag tayo ay nasa pangangailangan, natural na maghanap ng mga pamilyar na lugar na nag-aalok ng tulong. Maraming lugar sa paligid natin, tulad ng mga ospital, paaralan, at istasyon ng pulis, kung saan maaari tayong makahanap ng tulong. Gayunpaman, may isang natatanging lugar din na hindi lamang nagbibigay ng pisikal na suporta kundi pati na rin ng espirituwal na gabay. Bawat problema ay may solusyon, at ang UCKG HelpCenter ay nakatuon sa pagtulong sa iyo na matukoy ang mga pinagmumulan ng problema at matuklasan ang espirituwal na lakas na kinakailangan upang malampasan ang mga ito.
Sino kami?
Ang Universal Church of the Kingdom of God (UCKG) ay isang sentro ng tulong na itinatag sa Brazil noong 1977 ni Bishop Edir Macedo. Nagsimula ang lahat sa ilalim ng maliit na silungan sa parke sa Rio De Janeiro kung saan nangangaral si Edir sa iilang tao gamit ang mikropono, speaker, at Bibliya. Ngayon, ang gawaing ito ay kumalat na sa buong Brazil na may 5,000 simbahan na nasa iba’t-ibang lugar ng bansa at naabot na rin ang mahigit 130 bansa sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas na nagsimula noong Nobyembre 9, 1995 at patuloy pa ring lumalawak.
Ang UCKG HelpCenter ay isang umuusbong na simbahan at organisasyon, na laging nakatuon sa kung ano ang magpapabago sa buhay ng isang tao. Bukod sa pagiging isang pang-araw-araw na espirituwal na HelpCenter, nagsasagawa kami ng mga praktikal na aktibidad na nakatuon sa pananampalataya at pangkalahatan upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng pangkat ng edad at antas ng pamumuhay.
Ano ang aming layunin?
Ang tumulong sa mga tao na baguhin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pananampalataya. Tinutulungan namin ang mga tao patungo sa pagbabago ng kanilang buhay, na dating dumating na wasak ngunit ngayon ay namumuhay na sa kaligayahan at kapayapaan. Ito ay napatunayan sa paglipas ng mga taon, nakita namin ang iba't-ibang uri ng tao mula sa iba't-ibang antas ng buhay na pumasok sa simbahan na puno ng problema, may sakit, malungkot, at nawawalan ng pag-asa. Ngunit nagbago ang lahat nang kanilang matutunan ang daan ng pananampalataya.
Ang UCKG HelpCenter ay binubuo ng mga grupong ito:
Ang bawat grupo ay binuo upang maibigay ang eksaktong tulong para sa bawat isa ayon sa kanilang edad. Sa pamamagitan ng mga grupong ito, mas nabibigyang tuon ang pangangailangan ng bawat miyembro ng simbahan, hindi lang sa kanilang pisikal na pangangailangan kundi ganon rin sa kanilang espirituwal na paglago.
bottom of page







