top of page

Caleb Group
Ang grupong binuo para sa mga mas nakatatanda, ito ay para gawing aktibo ang kanilang sarili sa ganitong edad, hindi lang sa pisikal ngunit ganoon din sa kanilang isipan. Dulot ng higit na karanasan sa buhay, sila rin ay nakatutulong at tumutulong sa iba’t-ibang mga tao na maaaring mayroong parehong pinagdaraanan na kanilang napagtagumpayan.
Ito ay paraan upang bigyang sigla at gamitin ang panahon upang gawing makabuluhan sa pamamagitan ng pagpapalago ng kanilang sarili at pagtulong sa iba, sa pamamagitan ng grupong ito nakikita ng bawat isa ang kanilang halaga at bagay na maaari pang gawin na hindi nalilimitahan ng kanilang pisikal na kakayanan.
bottom of page








