top of page


Victory Youth Group (VYG)
Ang grupong binuo para sa mga kabataan mula 15-25 na taong gulang, ito ay para higit na ihanda ang mga kabataan sa mas malalim na mga desisyon na kailangan nilang gawin o paghandaan sa kanilang buhay. Ang panahong ito ay nararapat pagtuunan ng atensyon upang masigurado na ang daang tatahakin nila ay tungo sa kanilang tagumpay.
Sa panahong ito ay maraming mga kabataan ang nadadala sa maling landas dahil sa maling direksyon na kanilang tinutungo, dulot ng mga maling kaibigan, impluwensya at pagnanais na tumuklas, na natural na pinagdaraanan sa panahong ito ng kanilang buhay.
Ito ay grupong ginawa upang gabayan ang mga kabataang tumuklas ng mga bagong bagay sa tamang paraan at maging sigurado sa kung ano ang nais nila para sa kanilang buhay. Layunin din ng grupong ito na maiwasan ng mga kabataan ang bumuo ng desisyon o gumawa ng aksyon na magdudulot ng pagkasira ng kanilang kinabukasan.
bottom of page










