Kapag ang isang tao ay nagbalik loob, ang unang hakbang na gagawin niya ay isakripisyo ang mga kasalanan niya.
Kung siya ay isang uri ng tao na natutulog kasama ang kanyang kasintahan o gumagawa ng mga ipinagbabawal na bagay kasama niya, agad niyang ititigil iyon.
Kung siya ay nagpapadala ng mga hubad na litrato, nagpopost ng mga malalaswang litrato sa social media para mabigyan ng atensyon ang kaniyang katawan, ititigil niyang gawin ito.
Kung siya ay nakikinig ng mga malulungkot na kanta o anumang uri ng musika na nagpopromote ng kahalayan, depresyon, kasakiman, rebelyon at karahasan, titigilan na niyang makinig nito.
Sa madaling salita, isasakripisyo niya ang lahat ng kasalanan na kanyang nakagawian.
Ngunit, isiping mabuti, ang totoo ang lahat ng mga sakripisyong ginagawa natin para sa Diyos ay para rin sa ating ikabubuti, at pinoprotektahan nga rin tayo nito sa maraming problema, maging ang mga bagay na mayroon tayo noon bago makilala ang Panginoong Hesus.
Kaya, kapag isinasakripisyo natin ang ating kasalanan, ang totoo ay tinutulungan natin ang ating sarili .
Maraming mga Kristiyano ang tumitigil na dito at sinasabing isinakripisyo na nila ang buhay nila sa Diyos... (kahit na sila naman ang nakinabang sa paggawa nito). Ito ang dahilan kung bakit may mga Kristiyano at kristiyano.
Ang mga Kristiyano lamang na, matapos isakripisyo ang lahat ng kanilang kasalanan, ay isinakripisyo rin ang kanilang mga PANGARAP, HINAHANGAD, KINABUKASAN AT KAGUSTUHAN, ang mga tunay na nagsakripisyo ng buhay nila sa Diyos. Ito ang mga taong binibiyayaan ng Banal na Espiritu!
Ito ang mga tao na nawalan ng buhay dito sa mundo para makamit ang Kaharian ng Langit. Ito ang mga totoong LINGKOD, dahil hindi lang nila ginamit ang pananampalataya, ngunit naglingkod sila sa pamamagitan nito.
Cristiane Cardoso
留言