Minsan may isang tao na lumapit sa akin para humingi ng tulong. Handa akong tumulong sa kanya pero di siya makapag-antay at dahil sa nagmamadali siya, hinanap niya ang tulong na kailangan niya sa iba.
Anong naramdaman ko? Malinaw na sinayang ng taong iyon ang oras ko at hindi siya nagtitiwala sakin kaya siya pumunta sa iba para humingi ng tulong. Ang pakiramdam ng nainsulto at hindi pinagkakatiwalaan ang parehong nararamdaman ng Diyos kapag hindi tayo nagtitiwala sa Kanya, dahil ang pagtitiwala sa Diyos ang isa sa pinakaimportanteng katangian ng pananampalataya.
Kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa isang taong may pananampalataya, ang naiisip natin ay isang tao na may maayos na pag-uugali at lakas ng loob, pero may iba pang bahagi ng pananampataya: ang tiwala. Tulad ng barya, ang pananampalataya ay may dalawang side: ang isa ay ang lakas, paniniwala at pagsimula, at sa kabila ay ang paghihintay, pagtitiwala at paniniwala kahit hindi nakikita. Kapag hindi ka nagtitiwala, kusa mong nagagawa kung ano ang pumapasok sa isip mo at naghahanap ka ng shortcut.
Ang taong binanggit ko sa itaas ay may seryosong problema sa solusyon na natagpuan niya dahil wala siyang tiyagang mag-antay. Nakuha nga niya kung anong gusto niya, pero nagdurusa siya sa hindi niya kinakailangan.
Hindi mo pwede madaliin ang natural na proseso ng mga bagay. Halimbawa, ang babae ay nag-aantay ng siyam na buwan para maipanganak ang isang sanggol; kung gusto niyang magluto, kailangan niyang mag-antay hanggang sa maluto ng apoy ang niluluto niya; kung gusto mong matuto ng bagong lengguwahe, kailangan mong mag-ensayo araw araw. Ito ang pagtitiwala at pagtyatyaga. Kapag hindi natin isinasama ang tiwala at tiyaga sa ating pang-araw araw na buhay, masisira natin ang proseso na mas nakakaaksaya ng oras.
Kung pakiramdam mo nababastos ka, isipin mo ang Diyos. Kung lumalapit ka sa Diyos at sinasabi mong ang tagal Niya, isipin mo ang insultong ibinibigay mo sa Kanya. Ang pagtitiwala ay isang bagay na natutunan natin sa paglipas ng panahon, na minsa’y gumigising sa atin, na pinapaisip na ang mga shortcut ay mas nagpapatagal pa ng oras,  na dapat nating makita na sinisira ng pagiging balisa ang mga plano at pinapaisip sa atin na kaya natin at dapat tayong magtiwala sa Diyos.
Maaari mong ipamuhay ang kabilang side ng barya, iyon ay ang pagtitiwala sa Diyos. Wala kang makikita, wala kang mararamdaman, kailangan mo lang magtiwala sa Salita ng Diyos. Pwede kang hindi magtiwala ng ganito sa ibang tao, dahil tulad ng nakasulat, “Sumpain ang tao na nagtitiwala sa tao, at ginagawang kalakasan ang laman, at ang puso ay lumalayo sa Panginoon. JEREMIAS 17:5, pero sa Diyos pwedeng pwede kang magtiwala
Bishop Renato Cardoso
Comments