Napansin mo na ba na may mga taong ginagawa ang lahat para magustuhan sila ng ibang tao? Masyado nilang iniisip kung ano ang iniisip at sinasabi ng iba sa kanila. Sa panahon ni Hesus, ay may mga ganitong klase ng tao na tinawag Niyang mga mapagkunwari o "plastik" sapagkat iba ang ipinapakita nila sa kung ano ang tunay na nasa loob nila. Sinabi niya sa Mateo 23:5 sa mga pariseo “Ang lahat ng ginagawa nila ay pakitang-tao lang. At upang ipakita na napakarelihiyoso nila, nilalakihan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang laylayan ng kanilang mga damit" sa madaling salita gusto nilang sumikat at ipakita ang lahat ng kanilang ginagawa At hindi ito nagustuhan ng Panginoong Jesus.
Madali lang sa atin na magalit sa ginagawa ng mga pariseo. Pero ang katotohanan naman kasi ay lahat ng tao ay may pagkatao ng pariseo sa loob nila. Gusto ng tao na magpasikat kung saan humahantong na nga sa pagkakataong peke na ang kanilang ipinapakita.
Madali lang na makita ang mga pagkakamali ng tao sa Biblia pero lahat naman ng tao gusto na mapansin sila. Ilang beses mo na bang ginawa ang mga bagay na naghihintay ka ng kapalit? Isa sa pinakamagandang halimbawa ay ang Social Media, maraming nag-popost ng mga bagay upang makakuha ng maraming likes. Tingnan mo ng mabuti ang iyong sarili. Gusto mo lang ba na magpasikat at mapansin ng iba?
Hindi mo na dapat kailangan mapansin ng iba upang kumilos ka. Dahil imposible namang magustuhan ng lahat ng tao ang lahat ng iyong ginagawa, Si Hesus nga na perpekto hindi ito nagawa.
Siguro nasanay ka ng mamuhay sa kasinungalingan, namumuhay kang "doble kara" nagsisinungaling ka na sa sarili mo dahil lang gusto mo na magandang imahe ang maisip ng iba sa iyo.
Ang nakakalungkot lang ay minsan dahil sa labis na kasinungalingan mo, pinaniniwalaan mo na rin ang sarili mong kasinungalingan. At paano natin matutulungan ang taong kumbinsido na sa sarili niyang kasinungalingan?
Bishop Renato Cardoso
コメント