“Ako ang Dios na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid.” (Genesis 17:1) Mamuhay ng matuwid? Paano ba magiging matuwid ang isang tao? Sinabi ni Hesus sa Mateo 5:48 :“Kaya dapat kayong maging ganap, tulad ng inyong Amang nasa langit.” Paano ba maaasahan ng Diyos ang isang tao na maging ganap o perpekto? Ang tao ay may kamalian, masama at nahihilig sa masama. Paano ba tayo magiging ganap at matuwid? Mahirap na maintindihan ito literal. Bakit nga ba hinihingi ito ng Diyos? Noong kinausap Niya si Abraham, sinabi Niya “Ako ang Dios na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid.”, ang nais Niyang ipahiwatig ay, ang sinumang namumuhay na nasa Presensya ng Diyos ay magiging ganap at matuwid.
Noong ikaw ay bata pa, marahil mas mabait ka kapag nasa bahay ang mga magulang mo. At kapag wala sila, may mga ginagawa kang ilang bagay at hinihiling mo na sana hindi nila ito malaman. Mga bagay na pambata. Binabago ng presensya ng magulang ang pag-uugali ng anak, tulad ng binabago rin ng presensya ng amo ang pag-uugali ng isng manggagawa, at binabago ng presensya ng asawang babae ang pag-uugali ng asawang lalaki.
Noong sinabi ng Diyos kay Abraham: “Ako ang Dios na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid.”, ang nais Niya ay mamuhay si Abraham na alam ito: Ang Diyos ay narito, saksi Siya sa lahat ng ating ginagawa at iniisip. Ang takot ko ay ang respeto ko sa Kanya. Kaya dapat mamuhay tayo na palaging batid o may kamalayan sa presensya ng Diyos.
Hindi mo gagawin ang ilang mga bagay kung alam mo palagi na ang Diyos ay kasama mo. Hindi ka magsisinungaling, hindi manonood ng pornograpiya, at iba pa. Kung si Hesus ay nasa tabi mo habang nanonood ka ng pornograpiya, papanoorin mo pa kaya? Hindi ka gagawa ng kamalian kung ikaw ay namumuhay sa Presensya Niya.
Kung nais mong magkaroon ng panibagong buhay, trabaho, isang perpektong buhay, harapin mo ito sa ganitong paraan, na may kamalayan na ang Diyos ay nasa tabi mo at alam Niya ang lahat ng bagay. Bago mo bigyan ng kalayaan ang iyong imahinasyon, tanungin mo muna kung ang gagawin mo ba ay kaaya-aya. Hindi mo na maaaring gamitin pa ang dahilan na walang taong perpekto, dahil iba mag- isip ang Diyos.
Bishop Renato Cardoso
Comments