top of page

Ano ang kahilingan mo sa Diyos?

Humiling si David sa Diyos ng apat na bagay, tingnan kung ano ang mga ito…




Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat. Huwag po akong itaboy palayo sa inyong piling, at ang inyong Banal na Espiritu sa akin ay huwag nʼyo po sanang bawiin. (Salmo 51:10-11)

4 na bagay ang hiningi ni David sa Diyos:


1) Ilikha ng busilak na puso, ibigsabihin, pusong walang masamang hangarin, pandaraya, pagmamataas, makalamang hilig at iba pa.


2) Bigyan ng bagong Espiritu na matapat, dahil ang kanyang pag-uugali ay hindi marangal, kagalang-galang at makatwiran. Kaya nga, nagpakatuso siya para maitago niya ang kanyang pangangalunya at, ang mas masama ay plinano niya ang kamatayan ng isang inosente.


3) Huwag itaboy palayo sa Kanyang piling, Ibigsabihin, huwag siyang itaboy dahil sa kanyang kasamaan. Alam niya na ang Presensya ng Diyos sa kanyang buhay ang naglagay sa kanya sa posisyon na maging hari ng Israel at ang nagbigay ng mga tagumpay laban sa kanyang mga kaaway. Kung wala ang Diyos, ang titulo niya bilang hari ay walang kwenta.


4) Huwag bawiin ang Banal na Espiritu, Alam ni David na ang totoong kayamanan niya ay hindi ginto, pilak at ang kanyang mamahaling bato; ni hindi ang mga nasakop niyang lupa, palasyo at hukbo. Ang kanyang pinakamalaking kayamanan ay ang Espiritu ng Diyos na bumaba sa kanya sa araw na pinahiran siya ni Propeta Samuel ng banal na Langis. Kung mawala niya ang Espiritu ng Diyos, siya ay magiging walang iba kundi isang pulubi espiritwal na naninirahan sa isang palasyo na may korona ng isang hari.


Bishop Edir Macedo

コメント


bottom of page