top of page

'Ilang pagkakataon pa ang papalipasin mo? (Narito ang isa pa)'



Minsan nang tumangis ang Diyos sa Jerusalem, sa Banal na lugar: Sinabi niya: “Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na sinugo ng Dios sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin at alagaan gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, pero ayaw ninyo. (Mateo 23:37)


Hindi lang tinutukoy ng Salitang ito ang Jerusalem. Ang bayan ng Jerusalem ay kumakatawan sa lahat ng mga tao na sinusubukan ng Diyos na abutin sa iba’t ibang paraan, tulad ng ginawa Niyang pag-abot sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga propeta, escriba at kahit mga anghel na palaging tinatanggihan, binabato at pinapatay – kasama na dito ang Kanyang sariling Anak.


Maraming paraan ang Diyos ng pakikipag-usap: Maaari niyang gamitin ang isang programa, isang puno, isang problema na pinagdadaanan mo, ang pagkakamali mo at kahit ang isang atheist para magsalita sayo. Ito ay dahil ang Diyos ay Diyos at kaya Niyang makipag-usap sa anumang paraan man Niya gustuhin. Ngunit para marinig ng isang tao ang Boses ng Diyos, kailangan nilang magkaroon ng mapagpakumbabang pandinig upang tanggapin ang mensahe Niya.


Isa sa pinakamalaking pagkakamali ng isang tao ay ang pag-iisip na may alam na siya, dahil hindi niya kailanman susubukin na ayusin ang sarili niya. Iniisip niya na kaya na niya ang kanyang sarili, kaya hindi siya nakikinig sa payo ng Diyos o sa kahit sino mang tao. Sila ang mga taong nagdurusa at kapag may isang tao na gustong tumulong sa kanila, sinasabi nilang okay sila.


Maraming tao ang ganito: matigas at mapagmataas. Kaya, hindi sila kayang tulungan ng Diyos. Hindi dahil sa ayaw ng Diyos, ngunit dahil sa ayaw nila.


Ilang beses nang nagpadala ang Diyos ng isang bagay o isang sitwasyon upang tulungan ka at nagmamatigas ka? Ilang beses ka nang sinusubukan na turuan ng Diyos ng isang bagay at tinatanggihan mo dahil sa pride, dahil iniisip mong alam mo na, at kaya gusto mong ipilit ang pagkakamali mo? Iniwan ng Diyos ang Salita na iyan para patunayan na makailang ulit na Niyang sinubukan na tulungan ka, pero ayaw mo, tinatanggihan mo Siya.


Pagkatapos ng verse na nakasulat sa taas, sinabi ng Diyos, “Kaya bahala na kayo sa sarili ninyo.” (Mateo 23:38), ibig Niyang sabihin: “dahil gusto niyo naman na mag-isa, gagawin Ko ang gusto ninyo at iiwan Ko kayo.”


Kaya, kung ikaw ay nagmamatigas at tinatanggihan ang tulong ng Diyos, mag-ingat ka sa araw na pababayaan ka na Niya sa gusto mo.

0 comments
bottom of page