Search
  • UCKG Philippines

'Kahit na...'


Kung si Habakkuk ay naririto, naniniwala ako na ipapadala niya ang mga sumusunod na mensahe:


Kahit na magpatuloy ang lockdown…

Kahit na hindi pa ako makakabalik sa trabaho…

Kahit na hindi ko maintindihan ang mga desisyon ng mga awtoridad…

Kahit na patuloy parin ang laban sa virus…

Kahit na patuloy na nangungurakot ang mga politiko…

Kahit na nagkukulang na sa supply…

Kahit na hindi pa alam kung kalian matatapos ang pandemyang ito..

Kahit na matagal pa bago bumalik ang lahat sa “normal”…

Kahit na napakaraming “KAHIT NA”...


"Magagalak pa rin ako dahil ang Paningoong Dios ang nagliligtas sa akin. Siya ang nagbibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar." (Habakuk 3:18-18)



Bishop André Cajeu

0 comments

Recent Posts

See All