“Masdan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y matawag na mga anak ng Diyos; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, sapagkat siya'y hindi nakilala nito." 1 Juan 3:1
Kahit ang anak ng isang panadero ay kinikilala ng mundo. Ngunit anong mabuti nito kung sasabihin ng isang tao sa mundo na siya ay anak ng Diyos? Hindi kilala ng mundo ang AMA mo!
Ito ang laban na kinakaharap ng mga Kristiyano. Kung sa espiritwal mayroon siyang pribilehiyong matawag na anak ng Tagapaglikha, sa mundo ang titulong ito ay walang halaga!
"Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Diyos at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin na kung siya'y mahayag, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat siya'y ating makikita bilang siya."1 Juan 3:2
Tayo ay mababago ayon sa Kanyang Kadakilaan!
"At sinumang may ganitong pag-asa sa kanya ay naglilinis sa kanyang sarili, gaya naman niyang malinis." 1 Juan 3:3
Maraming tao ang nawalan ng pag-asang ito, nakaramdam ng pagod kalaunan, at bumigay sa mga inaalok ng impiyerno at ayaw ng magsakripisyo para sa isang bagay na hindi nagbibigay sa kanila ng pakinabang sa mundo.
‘Naglilinis ng kanyang sarili’, ibigsabihin na ang tao lang mismo ang makakaalam kung ano ang kailangan niyang linisin sa kanyang sarili upang siya ay manatili hanggang wakas.
Bispo Honorilton Gonçalves
Comments