top of page
  • Facebook
  • Youtube
  • Instagram

"GUSTO KONG MAGBAGO, PERO DI KO KAYA"- DALAWANG BAGAY NA KULANG SA’YO



"Gusto ko, pero hindi ko kayang iwan ang mga maling bagay na ginagawa ko at ang mga bagay na mayroon ako, nagbabago ako ng dalawang araw at pagkatapos bumabalik ulit ako sa dati. Nakikita ko ang ibang mga tao na gumagawa ng mga extraordinaryong bagay at nagbibigay ng patotoo patungkol sa mga pagbabago nila. Ano bang kulang sa akin?"


Sa law of physics, para magalaw mo ang isang bagay, kailangan mong gumamit ng mas maraming lakas kaysa sa bigat nito. Kung gagalawin mo ang isang 10 kilo na upuan, kailangan mong gumamit ng hindi bababa sa 10.1 kilo ng lakas. Kung ang gagamitin mo lang na lakas ay 10 kilo, ang upuan ay hindi mo magagalaw. Gayundin sa katawan, para pagalawin ang katawan kailangan mo gumamit ng mas higit na lakas kaysa sa bigat nito.


Sa kalsada, kapag huminto ang sasakyan, lumalabas ang driver, at hihingi ng tulong sa 3 hanggang 4 na lalaki, para itulak ang sasakyan kailangan nilang gumamit ng mas maraming lakas kaysa sa bigat ng sasakyan. Sa buhay gayundin, ang lahat ng bagay na gusto mong gumalaw, ialis sa kinaroroonan nila, kailangan mong gumamit ng mas maraming lakas kaysa sa ibinibigay ng problema sa iyo.


Iyan ang dahilan kung bakit ilang araw lang ang pagbabago mo, kaya mong ihinto ang ilang mga adiksyon, humintong gumawa ng mali sa ilang sandali, ngunit nagagawa mo ulit dahil kulang ang lakas na ibinibigay mo, ito ang dahilan, sa loob- loob ang pinakagusto mo talagang gawin ay ipagpatuloy ang ginagawa mo kaysa huminto.


Siguro pagdating sa pornograpiya gusto mo pang manood ng isa, itong “ngayong araw lang naman” ay mas malakas kaysa sa kagustuhang huminto. Kung saan mo mas ibinibigay ang lakas mo, ito ang mananalo. May dalawang bagay na kulang sa’yo, una: kailangan mong alisin ang mga maling kaisipan, sinabi sa salita ng Diyos, “Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya.” Gusto ng isang tao itigil na ang pagsisinungaling , pero sinasabi niyang hindi niya kaya, ang totoo kaya niya, dahil ito ang sinabi sa salita ng Diyos.


Kumbinsido ang tao na ito ay mas malakas kaysa sa kanya, ito ang mga salita ng mga talunan, ang mga propesiya na nagkakatotoo, sinasabi niyang napakahirap, ni hindi pa nga niya sinusubukan, ang unang kailangan mong baguhin ay ang paraan ng pag-iisip, kaya mong maging mas malakas kaysa sa problema mo. Ang Diyos ay Tapat. “Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito. (1 Corinto 10:13)


Ibinigay ng Diyos ang kapangyarihan na ito sa mga tao, “Kung mabuti lang ang ginawa mo, maligaya ka sana. Pero mag-ingat ka! Dahil kung hindi mabuti ang ginagawa mo, ang kasalanan ay maghahari sa iyo. Sapagkat ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nagbabantay sa iyo para tuklawin ka. Kaya kailangang talunin mo ito.” (Genesis 4:7).


Ang pangalawang bagay na sasabihin ko ay pagkatapos mong basahin ang Hebreo 12:4, “Kung tutuusin, wala pa namang pinatay sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kasalanan.” Ano ang ibig sabihin ng wala pang pinatay? Alam natin na ang dugo ay buhay, kailangan ibigay natin ang lakas ayon dito para mapagtagumpayan ang kasalanan, ang salitang ito ay nangangahulugan ng pakikipaglaban.


Ang pakikipaglaban laban sa kasalanan ay kinakailangan ng pagdanak ng dugo, noon hayop ang isinasakripisyo para sa kasalanan. Ngayon gusto ng Diyos na mapagtagumpayan mo ang tukso, ang mga bagay na masama na umuubos ng lakas mo, ang itanggi ang kagustuhan mo. Sa tingin mo ba nagbabago ang tao magdamag? Sa tingin mo ba itong mga istorya ng tagumpay ay madali? Mayroon itong sakripisyo, pagtanggi, pakikipaglaban, paglunok ng pride, ngunit sa pakikipaglaban mo sa kasalanan, laban sa kagustuhan mo, para mong sinasaksak ang sarili mong katawan at ang dugo ay dumadanak.


Hindi ka nagbabago dahil ayaw mong dumanak ang dugo, ayaw mong mag-effort, ayaw mong maging duguan, ang gusto mo lang ay sa kaya mo, kaya hindi ka nagbabago. Isipin mo ang isang buntis na babae na manganganak, sinasabi sa atin na ang sakit ng paglabor ay napakasakit, napapasigaw sila, at may nanganganak na umaabot ng 10 oras. Alam niya na kahit nasasaktan siya, kung hindi niya titiisin ang sakit, mamamatay ang bata at ganun din siya. Kaya hindi niya pinapansin ang sakit hanggang sa mapanganak ang bata, gayundin din dapat sa’yo.


Tanggihan ang sariling kagustuhan para sa pagbabagong gusto mong makuha, ngayon nauunawaan mo na kung bakit hindi ka nagbabago, gamitin mo lang ang buong lakas mo dito.


Bishop Renato Cardoso

Comentarios


bottom of page